Una sa Balita

Andre ayaw sa babae

By
0 2,358

Marami ang nahihiwagaan kay Andre Paras na wala man lang nali-link sa kanyang babae mapa-showbiz or non-showbiz. Masyadong low profile ang anak na ito ni Benjie Paras.

Nakausap ko si Andre sa set ng Sherlock, Jr. kung saan role ng isang pulis na ka-tandem ni Ruru Madrid bilang si Jack Sherlock Jr. Aminado si Andre na very much single siya although nagkaroon din naman siya ng karelasyon pero tahimik lang siya.

Mas focus daw siya sa trabaho sa Sherlock Jr., Sirkus at Sunday Pinasaya. Career daw as actor ang pinagkakaabalahan niya plus ‘yung basketball paminsan-minsan. Naging close sila ni Ruru noon pa man pero lalo silang na­ging close ngayon sa Sherlock, Jr. at sa Encantadia. Puring-puri niya si Ruru na nakita niya ang pag-angat ng career nito. Mahusay raw talagang aktor ang kaibigan niya.

Kyline tinulungang magka-kotse ng negosyante

Dream come true na maituturing ng Kambal, Karibal star na si Kyline Alcantara ang mapasama sa isang top-rating serye ng Kapuso Network. Ngayon naman, isang pang pangarap ang natupad ng dalaga sa pagpirma niya with GMA Records.

Bukod dyan ay may bago na siyang sasakyan dahil sa tulong ng negosyanteng si Wiliam Tan na kaibigan ng manager niya. Nakita ng mabait na si William ang pontensyal ni Kyline at kaya tinutulungan niya ito. Imbes na nga naman mangutang sa bangko ay siya ang nagpaluwal at sa kanya na lang sila maghuhulog buwan-buwan at no inte­rest pa.

Marian pinarangalang Cavite Outstanding Woman

Bukod sa pagiging aktres, ina at business woman, kinilala si Marian Rivera bilang isa sa mga 2018 Cavite Outstanding Women Leader at nagpasalamat siya sa panibagong parangal na ito. Ibinahagi niya ang tagumpay na ito sa kanyang Instagram account na sinang-ayunan naman ng mga followers niya.

Puno ng congratulatory messages at pasasalamat ang comments section ng kanyang account dahil marami pa rin ang naniniwala sa magandang impluwensya niya sa mga kapwa babae.

Julie Anne viral queen pa rin

Hindi lang sa physical sales ng kanyang album bumebenta ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose dahil hanggang ngayon ay ‘di pa rin maitatanggi ang pagiging viral queen niya.

Ngayon, may bagong tunog si Julie na narinig sa single niyang Nothing Left. Ito pa rin ang most requested song sa leading radio stations nationwide! Higit pa riyan, ang recent revival niya ng Parokya Ni Edgar classic na ‘Your Song’ ay lagi ring pinatutugtog sa radyo. Siya rin ang isa sa mga most-streamed artist sa Spotify para sa version niya ng ‘Let Me Be The One’ kaya undeniable ang pagiging online superstar ni Julie!