Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ando hinog na sa Paris Games

0 200

HINDI matatawaran ang ekspiriyensa ni Elreen Ann Ando na tumapos sa 7th place sa women’s 64kgs event ng weightlifting competition sa unang pagsabak nito sa 32nd Summer Olympic Games Martes ng gabi sa Tokyo International Forum.

Itinala ng 22-anyos mula Cebu City na si Ando ang kanyang personal best sa snatch, clean and jerk, at overall sa pagsabak nito sa women’s 64kgs category bagaman kapos ang kanyang pagpapakita na makasungkit ng medalya.

Agad nagpaktia ng lakas ang 2019 Southeast Asian Games silver medalist sa pagbuhat ng 100kgs sa Snatch at 122 sa Clean and Jerk para sa 222kgs total lift.

Gayunman, malayo ito sa 236kgs total ng nagkampeon na si Moude Charron ng Canada, pumangalawa mula Italy na si Giorgia Bordignon na may 232kgs at 230kgs ni Chinese Taipei Chen Wen-Huei.

“She is our project for 2024, together with Vanessa Sarno. Magaling lang talaga kaya nasama na kaagad sa Tokyo,” sabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella.

Ipinaliwanag pa nito na ang pinakaunang atleta na nagbigay ng gintong medalya sa bansa na si Hidilyn Diaz ay dumaan sa tatlong Olympics – Beijing, London at Rio kung saan ito nakapagwagi ng pilak – bago nakamit ang gold sa Tokyo nitong Lunes.

“Hinog na iyan si Elreen sa 2024 Paris Olympics,” sabi ni Puentevella. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.