Una sa Balita

Andi tinuhog ang mga surfer na sina Emilio, Philmar?

By
0 905

Nananatili pa rin daw magkaibigan sina Andi Eigenmann at ang ex-boyfriend nito na si Emilio Arambulo kahit na may bago nang boyfriend si Andi, kilala at sikat na surfer na si Philmar Alipayo.

It happened na iisang circle of friends din silang tatlo. Kaya bago pa nagkaroon ng relasyon sina Andi at Philmar, magkaibigan na raw sila even before na sila pa ni Emilio. Malinaw naman sa mga naging pahayag ni Andi sa presscon ng comeback mo­vie niya, ang “All Soul’s Night” na showing na sa October 31 na ilang buwan na silang hiwalay ni Emilio nang maging sila ni Philmar.

Kumpara sa past relationships niya, tingin ni Andi, mas matured na talaga siya ngayon. Mas alam na niya kung ano talaga ang mga gusto niya sa buhay.

“For one, I’m really motivated to be the best version of myself. Like it’s the first time I’m with someone who really supports me with that, and then without also forgetting that I have a daughter.

“‘Yun ‘yung number one thing that I like about him, that I feel like really, na-catch niya ‘yung heart ko. Kasi, not that it was him who showed me how impor­tant my daughter is, but he showed me that I can live a life of a twenty-eight year and being young and free.

“But at the same time, incorporating my relationship with my daughter and time with my daughter there.”

Nakakasama raw ni Andi ang anak na si Ellie sa Siargao. At maging si Ellie ay gustong-gusto rin sa Siargao. Minsan, ito pa raw ang nakikiusap sa kanya na isama, pero hindi puwedeng anytime dahil nag-aaral na nga.

Kapag may pasok daw si Ellie, nasa Manila siya. Kapag nasa bansa naman si Jake Ejercito at kasama si Ellie, that’s the time na mag-isa siyang nagpupunta ng Siargao.

Kahit na non-showbiz ang boyfriend, hindi raw ito nai-starstruck sa pagiging artista niya o kung meron man na mga nagpapa-picture sa kanya dahil sa Siargao raw, sikat ang boyfriend.

Sey nga niya ng may pagmamalaki, “Ako ang kumukuha ng picture niya run. He’s the number one surfer of the Philippines. Pero dito sa Manila naman, ako ang napapansin. Kasi, hindi sila ma-TV dun, e.”

 

Andi wala pang planong pakasal kay Philmar

So far, hindi pa raw naiisip ni Andi ang magpakasal. Although, may business na silang dalawa na binubuo. Nagpapatayo sila ng Airbnb sa Siargao.

“Go with the flow, wala akong plans,” sey ni Andi.

“I only know where I wanna be. I only know that I’m happy with my life at the moment- but that’s it. Things can change tomorrow or in ten years, but that’s okay still if I change my mind.”

Sa isang banda, kahit na halos sa Siargao na yata naninirahan si Andi, nilinaw niyang hindi niya tinatalikuran ang showbiz. Nagkataon lang na wala raw mga offers sa kanya noon kaya masayang-masaya siya nang maalala siya at ga­wing bida nga ng horror movie na All Soul’s Night na dinirek nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag under VIVA Films and ALJUD Entertainment.