Una sa Balita

Andi sinita sa pagbubuntis nang hindi kasal

By
0 781

Back to herself si Andi Eigenmann. Parang hindi kami sanay kapag hindi “nababara” – ‘yun ang tawag namin kapag buong ning­ning na sinasagot ni Andi ang mga basher­ niya na halatang gusto lang talaga siyang i-provoke sa social media.

Nag-post si Andi habang nasa Bali, Indonesia at halatang-halata na nga ang tiyan niya. Sinabi niya sa post na this time around, she’s really enjo­ying her pregnancy.

Considering nga naman her first na talagang masalimuot. At nag-thank you rin ito sa ama ng anak na si Philmar Alipayo at sa panganay na anak na si Ellie — not just for teaching her how to be a mo­ther but also as one of her support system din.

Hindi binanggit ni Andi ang nanay niya na si Jaclyn Jose, kaya siguro may nangahas magtanong dito kung ano raw ang say ni Jaclyn na sinagot naman ni Andi na, “of course, I’m already 28. She’s very excited.”

Na parang sinasabi nito na kumpara nga naman noong una siyang mabuntis, ngayon e, talagang adult na siya, huh.

At aliw rin ang sagot ni Andi sa nagtanong na kesyo confused daw siya at tinanong ito kung sino ang ama ng anak at kung kasal na raw ba si Andi.

Sey niya, “you needn’t be confused about understanding the life of a person you absolutely do not know.”

O ‘di ba, master na ni Andi paano soplahin ang nagmamaganda sa socmed.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy