Una sa Balita

Andi naghubo’t hubad sa Instagram

By
0 928

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyTuloy-tuloy ang selebrasyon ni Andi Eigenmann sa kanyang ikalawang pagbubuntis sa surfer boyfriend niya.

Ang latest ay ang pagpu-post niya ng kanyang silhouette nude photo para ipa­ngalandakan ang kanyang malaki na ngang tiyan.

Hindi professional pictorial ang kuha sa nude photo ni Andi, kundi personal shot lang ito na kuha sa kuwarto ng kanyang bahay. Naka-side view si Andi at tanging liwanag na galing sa mga kurtina ang humugis ng kanyang katawan.
Tinakpan lang ng aktres ng kanyang mga kamay ang kanyang mga dibdib para hindi makita nang husto.

Humamig ng mara­ming support, papuri si Andi sa pagyakap niya sa kanyang kalagayan nang walang alinlangan.
“Having a baby live inside you is one of the most profound definitions of art in human form,” sabi ni Andi.

Maggie nakipaglaro sa mga pating sa Bahamas

Nabaliw ang mga follower ni Maggie Wilson sa mga larawang pinoste niya sa kanyang Instagram. Nagpakita kasi ng katapangan ang former beauty queen-actress sa kanyang kaligtasan.

Lumangoy kasi si Maggie kasama ang mga pating. Sa Bahamas kinunan ang mga larawan, at makikita na talagang pinalibutan siya ng mga malalaking pating.

Makikitang mas ma­laki pa kay Maggie ang mga pating na pumapalibot sa kanya habang nasa ilalim ng tubig. Ang pag-push ni Maggie ng kanyang katapangan ay bilang selebrasyon na rin ng kanyang 30th birthday.

“I turned 30 today and I celebrated it swimming alongside these beautiful creatures in their natural habitat. Not only was I lucky enough to swim them, I was also extremely lucky to have jesse @france.and.jesse. come along with us on the boat that day. He jumped in and took this amazing photo of me.

“Words cannot even begin to describe just how amazing this trip was. The experiences that came with it and the photos that will remind us of just how incre­dible it was. It’s the best birthday gift I’ve ever received. Thank you baby @victorconsunji and thank you to my friends who came with to cele­brate and live life with me,” sabi ni Maggie.

Ria, Enchong namulot ng basura sa Manila Bay

May kakampi, katuwang na si Antoinette Taus na kapwa niya artista. Si Antoinette ang front liner ng “Clean Up Manila Bay” advocacy at iba pang pag-aalaga sa kalikasan, lalo na sa mga estero sa buong Metro Manila.

Kaagapay na ni Antoinette ang dalawang Kapamilya star na sina Enchong Dee at Ria Atayde na kamakailan lang ay sumama sa grupo na namulot ng mga basura sa Manila Bay. Pinuri at ipinagmalaki ni Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram post ang anak na si Ria sa nasabing clean up activity nito.

Nag-post siya ng ilang mga larawang kuha kina Ria at Enchong na namumulot ng basura kasama ng mga bata, at hawak pa ang isang placard na nagsasabing tigilan ang reklamasyon sa Manila Bay.

Sa unang photo, mababasa ang title na “Return The Tide, Against Plastic Pollution” at nakasulat ang pa­ngalan nina Enchong at Ria kasama ang Reef Cheek Philippines, sa Baseco, Manila.

Sabi pa ni Sylvia sa posting nya.

“Their first step towards a plastic-free Philippines. Hoping we get more people on board for this cause. Proud of you @ria and @mr_enchongdee for putting together this cleanup! Love you both #BestfriendGoals Also very proud of the cousins and friends who joined their cause #reefCheckPhilippines Happy morning,” sabi ni Sylvia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy