Una sa Balita

Andi, Jaclyn palaging nag-aaway

By
0 865

Ang sarap nga raw ng buhay ni Andi Eigenmann sa Baler, Quezon kaya wala na siyang mahihiling pa. Dito nga raw sa metropolis, ang tataas ng mga bilihin, maingay, sobra ang polusyon, matindi ang traffic, kaya kahit nagbabalik-showbiz siya sa pamamagitan ng Viva flick na All Souls Night pagkatapos ng ilang buwan ding pamamahinga, babalik at babalik pa rin daw siya sa probinsiya.

Gamay na gamay na niya ang buhay-probinsiya na maging ang anak niyang si Ellie ay naa-adapt na rin ang environment na chill at cool lang ang dating. At para sa kanya, advantage ito para sa kanyang anak na hindi na rin mapigilan ang paglaki.

Samantala, sa presscon ng All Souls Night na ginanap sa Sampaguita Compound, hindi madiretsa ni Andi kung hanggang ngayon ba ay may hidwaan pa rin sila ng kanilang inang si Jaclyn Jose.

Masasabi na rin kasi na history na ang tsikang ito, pero ayon naman sa kanya, paulit-ulit lang naman ang problema sa kanilang mag-ina, pero hindi naman ito ganun kalala.

Pero, ayon sa kanya, pagdating sa pagpapalaki kay Ellie, siya pa rin ang may full control dito dahil siya nga naman ang ina, pero hindi naman niya hinaharangan ang closeness ng dalawa.

Pagdating naman kay Jake Ejercito, totally ay wala naman na siyang pakialam lalo na’t happy in love siya nga­yon sa number one surfer ng ating bansa, pero pagdating kay Ellie, siyempre, dun pumapasok ang kanilang komunikasyon.

Basta anything for her daughter, go lang siya, at happy rin siya dahil close-close-an din ito kay Philmar Alipayo na tuwang-tuwa rin sa kanyang anak.

Anyway, dahil comeback movie niya ang pelikulang dinerek nina Jules Katanyag, Aloy Adlawan at Yam Laranas, sana nga raw ay tangkilikin pa rin ito ng mga manonood.

Naman!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy