Una sa Balita

ANDI, FEELING SIRENA SA ILALIM NG DAGAT!

By
0 9

Ang daming humanga sa photo ni Andi Eigenmann sa Instagram, na tila natutulog siya sa ilalim ng dagat. Ang ganda nga kasi ng photo, at bibilib ka sa tibay ng baga ni Andi, na kaya niyang magpigil ng hininga sa ilalim ng dagat, para makuha ang magandang anggulo ng photo.

Anyway, inspired nga kasi si Andi, at ma­lamang, ang photographer niya that time ay ang boyfriend niya mismo, na madalas nga niyang kasama sa lakaran ngayon.

Heto ang post ni Andi, at pati na rin ang mga papuri ng mga followers niya:

“@andieigengirl: Like water, be gentle and strong. Gentle enough to follow the natural paths of the Earth, and strong enough to rise up and reshape the world. Water is life. #MermaidWanders @inthemikkz.”

“@inthemikkz: Sirena!”

“@japsssssssss: Ganda ng shot!”

“@alyzzarica: Ay gusto ko ng ganito bessy @ppatriciamm.”

“@tiff__em: Merms!”

“@acddeleon: Great pic!”

“@ramrewl: Ang pagbabalik ni Agua!”

“@ibethlim: Mermaids are real @andieigengirl.”

SHAINA-JC, CARLO-DENISE, MAGSASALPUKAN NA!

Mas titindi ang mga kaganapan sa The Better Half ngayon, dahil mangyayari na ang paghaharap ng orig na mag-asawang sina Marco (Carlo Aquino) at Camille (Shaina Magdayao), pati na rin ng mga bago nilang asawang sina Bianca (Denise Laurel) at Rafael (JC De Vera) ngayon (March 10).

Sa pag-aakalang maayos na ang lahat, mistulang babangon mula sa hukay ang nakaraan sa pagku-krus ng landas nina Camille at Marco, na siya namang muling magdudugtong sa kanilang mga buhay at panibagong pamilya.

Anong gagawin ni Camille kapag nalaman nitong buhay pa si Marco? Ano kaya ang maidudulot nito sa kasalukuyang pagsasama nila ng kanilang mga asawa? Maipaglaban kaya nila ang kanilang tunay na better half?

Iparamdam ang pagmamahal at suporta sa The Better Half at gamitin ang official hashtag na #TBHSalpukan. Para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.