Una sa Balita

Andi, Emilio hiwalay na?

By
0 6,688

Nag-panic ang mga fan ni Andi Eigenmann, dahil feeling nila ay hiwalay na ang idol nila kay Emilio Arambulo. Si Emilio nga ang modelo na madalas kasama ni Andi sa mga pagpunta-punta niya sa iba’t ibang dagat sa Pilipinas at ibang bansa.

Naloka kasi ang mga fan dahil sa nabasa nilang pa-hashtag na #SingleAndUnattached. Ito na nga ba ang sitwa­syon ni Andi ngayon? Na single na siya at unattached?

“Not Just One Thing. #VansPhilippines #SingleAndUnattached,” sabi nga niya.

Anyway, event pala ‘yon na pinuntahan ni Andi. Kaya mali ang unang basa ng mga tagahanga niya na hiwalay na ito kay Emilio.

Katunayan, lalong tumatatag ang relasyon ng dalawa. At last Valentine’s Day nga ay super sweet pa si Andi sa Instagram post niya sa photo nila ni Emilio.

“Posting this v. old pic of us because it’s Valentine’s day and that’s what people do here. And also because this was from our first ever road trip to LU and we are now headed there again for #SingleandUnattached. And also because do you see how much has changed!! From me looking at you that way para cute, and you lookin­g like a 90s Pinoy TV heartthrob, to today that we both seem to have adapted a permanent smell of the sun and salt water, but it’s ok, because we [reek] of pure happiness and contentment anyway!” chika pa ni Andi.

Pero, ang isang ikinababaliw pa ng mga fan ni Andi ay ang halos nangangamatis na nitong skin dahil sa pagbabad sa dagat at araw.

Sabi nga ni @kringkringcabahug, “Itong si Andi lang ata ang hilig2 magbabad sa karagatan pero mas lalong nagiging tisay at pretty! Ako yan baka mas nangitim paku sa charcoal.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy