Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anderson tinalakan ni Janus del Prado

0 180

Malalim ang friendship nina Bea Alonzo at Janus del Prado. Ilang pelikula rin ang pinagsamahan nila, kasama si John Lloyd Cruz.

At sa mga pinu-post ni Janus sa kanyang Instagram, pinapalagay ng mga netizen na patutsada niya `yon kay Gerald Anderson, dahil sa interview nito kay Boy Abunda, tila nasagasaan ang kaibigan niyang si Bea.

“Let them talk and dig their own grave while you win in silence,” ang unang IG post ni Janus.

Na parang sinasabi nga, ‘Bea hayaan mo silang magsalita nang magsalita, hukayin ang sarili nilang libingan, habang tahimik ka lang.’

“No matter how it ended. You do not destroy someone you used to love,” ang chika pa niya na parang mas direktang patama kay Gerald.

Na oo nga naman, na kahit ano pa ang nangyari, paano natapos ang relasyon, hindi mo wawasakin ang isang taong minahal mo.

SM food to go Banner Ad

At siyempre, aprub, agree ang mga netizen sa mga pahaging na ito ni Janus.

Sabi ni cgaskjsp, “Kill them with kindness. Kasi sila wala niyan sa katawan. They are trying to justify what they did 2 years ago. Tanga na lang ang maniniwala sa kanila.”

Hirit ni zara_clores, “Gerald, pavictim sana nanahimik ka na lang.”

At chika ni _joujou25, “I think wala na ding naniniwala sa kanila.”

At banat ni marietwins, “Don’t say toxic na. Hello gusto lang ng dahilan, di ba?”

Oh, well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.