Una sa Balita

Andaya tiklop, solar franchise ni Leviste binitin

By
0 1,163

TUMIKLOP si House Majority Leader Rolando Andaya sa mga batikos ng ilang kongresista laban sa panukalang batas na magbibigay ng ‘mega solar franchise’ sa kompanya na pag-aari ng anak ni Senador Loren Legarda na si ­Leandro Leviste.

Dahil dito, mistulang nawalan din ng saysay ang diumano’y panggagapang ni Legarda sa mga mambabatas para sa prangkisa ng kompanya ng kanyang anak.

Isiniwalat kahapon ni Senior Deputy Minority Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa Abante na nagbigay ng katiyakan si Andaya, bilang chairman ng House committee on rules, na hindi muna isasalang sa plenaryo ang House Bill No. 8179 na kamakailan lamang ay inaprubahan ng House committee on legislative franchises.

Abante Hiring – IT dep

Layunin ng nasabing panukala na pagkalooban ng congressional franchise ang Solar Para sa Bayan Corporation (SPBC) ni Leviste para makapag-operate sa buong bansa dahilan para kuwestiyonin ni Atienza at ilan pang mambabatas ang track record ng kompanya kung may kakayahan ba talaga ito na isakatuparan ang proyekto.

Sa panayam kahapon kay Atienza, inihayag nito na tinangkang madaliin ang pagpapatibay sa HB 8179.

“It’s very obvious that they tried (na i-railroad) but they failed because now they don’t want to take it up on the floor so saan pupunta ngayon? It’s in limbo. Naisip naman siguro nila na mali ‘yung ginawa nila, sabi ko sige kung ayaw n’yong i-take-up dito lahat ng questions ko and there are more now than yesterday eh will have to be answered on the floor,” sabi ni Atienza.

Tiniyak aniya ni Andaya na hindi muna isasalang sa plenaryo ang panukala hanggang hindi naaayos ang lahat ng isyu tungkol dito.

“In fairness to Andaya the latest word that I have from him, directly from him – ‘pare tama ka I will defer temporarily on this until all issues are settled’…I’m happy with the Majority Leader assurance…no I will not force the issue on the floor’. Sabi ko naman I’m just warning all of you if you take it up on the floor then we will defend our position on the floor,” ayon kay Atienza.

Nasa tanggapan na aniya ni Andaya ang panukala at hindi pa ito napipirmahan ng majority leader.

“I believe in his assurance na hindi muna pipirmahan. I’m ­happy na ngayon medyo stalled they have to do a lot more of explaining and assuring that they will really genuinely be capable of provi­ding lower cost energy, renewable energy pa,” sabi ni Atienza.

Iminungkahi rin umano ni Atienza kay Andaya na ibalik sa komite ang panukala para mahimay pang mabuti kung may kakayahan nga ba o wala ang SPBC na magkaloob ng abot-kayang presyo ng kuryente sa mga liblib na lugar.

“Ako I’m suggesting that to the majo­rity leader na ibalik mo na ‘yan sa komite, doon kami magtalo-talo, ‘yun naman ang aking intensyon from the very start, pinilit n’yo nga­yon… ano naman si Andaya – ‘pasensya ka na palagay ko ganyan ang aking gagawin, okay I’ll wait’,” ani Atienza.

Nilinaw din ni Atienza na hindi naman siya kontra sa adhikain ni Leviste pero marami pang katanungan ang dapat mabigyan ng kasagutan sa proyekto at hinihirit nitong prangkisa.

“Unang-una bagong grupo although ­batang-bata ‘yung proponent listong-listo naman, I admire the persona­lity…capacity of the young man to defend his pro­ject,” ani ­Atienza.