Una sa Balita

Andanar gigisahin ni Trillanes sa maanomalyang ASEAN budget

By
0 1,485

TINIYAK ni Senador Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na pagpapaliwanagin at gigisahin nito sa budget hearing si Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar hinggil sa maling paggamit ng pondo sa ASEAN Summit noong isang taon.

Ito ay makaraan anyang upuan lamang ng Senate Blue Ribbon Committee ang inihain nitong resolusyon na nananawagan para sa pagsisiyasat sa paraan ng paggamit ng PCOO sa pondo para sa ASEAN Summit 2017.

“Naka-block na ‘yan sa aming schedule­ at kung kelan ide-deli­berate ang budget nila (PCOO) at hindi ko palalagpasin ‘yan,” pahayag ni Trillanes sa isang himpilan ng radyo.

Abante Hiring – IT dep

Kinumpirma rin ni Trillanes na nang ihain niya ang resolusyon sa paggatos ng PCOO ay alam na niyang may lalabas na COA report hinggil dito.

“Meron kami nakukuha na information na hindi available sa taumbayan. Meron tayo mga mata at tenga at nakakakuha tayo ng ganyang info,” paliwanag pa ni Trillanes.

Kumpiyansa ang senador na mahihirapan si Andanar na ipaliwanag ang naturang alegasyon.

“Yes mahirap po niya (Andanar) malusutan ito. Mas mapoproteksiyunan sana siya ni (Senador Richard) Gordon kung nag-convene ng hearing, ngayon walang magpo-protect sa kanya,” giit ng senador.

Una nang isinulong ni Trillanes ang imbes­tigasyon sa umano’y maanomalyang paggastos ng PCOO ng P647.11 mil­yon para sa information caravan sa ASEAN chairmanship noong 2017 na nakapaloob sa P1.4 bil­yong pondo na inilaan ng Kongreso.