Una sa Balita

Ancajas, Yafai unification bout ipoporma?

By
0 1,317

Kapwa idinispatsa nina IBF ju­nior bantamweight titlist Jerwin Ancajas at WBA super flyweight kingpin Khalid Yafai ang kani-kanilang challenger nitong Linggo sa Save Mart sa Fresno, California.

Unification bout na kaya nila ang kasunod?

Umiskor ng unanimous decision victory ang 26-anyos na si Ancajas laban sa kababayang si Jonas Sultan, habang mas impresibong seventh round knockout triumph naman ang iginuhit ng United Kingdom champion na si Yafai, 28, kontra David C­armona ng Mexico.

Sa ngayon, wala pang pinal na plano ang kampo ni Ancajas kung sino ang sunod nitong makakaupakan.

“The target is for Jerwin to take on the big names in 2019 and fight the likes of Thailand’s Srisaket Sor Rungvisai and Me­xico’s Juan Francisco Estrada,” ayon sa U.S. agent ni Ancajas na si Sean Gibbons.

Sa panig ng kampo ng Yafai, wala pa ring plano ang agent nitong si Eddie Hearn ng Matchroo­m Boxing, sa sunod na hakbang nila subalit matapos ang panalo kay Carmona ay nagpahayag ang WBA champ ng interes na makasagupa si Ancajas.