Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ancajas walang daga vs Martinez

0 194

WALANG ibang nararamdaman si long-time International Boxing Federation junior bantamweight title holder Jerwin Ancajas kundi excitement sa bakbakan nila ngayong Linggo ni Fernando Martinez.

Ito ang ika-10th title defense ni Ancajas at gaganapin ito sa Cosmopolitan sa Las Vegas, Nevada.

“I’m very thankful for this opportunity to realize my dream and fight here in Las Vegas. I’m very happy that Martinez has trained so hard for this fight. Being a champion, I always want to bring a good fight,” pahayag ni Panabo-pride boxer Ancajas.

Kahit hindi pa kasi tiyak ang resulta ng bakbakan ay plano na niya agad labanan si Kazuto Ioka para mag-unify ng belt kaya determinado itong mapatumba agad si Martinez.

“When I defend this title, then I want the unification fight next. I’m ready to go wherever I have to in order to get that fight. But I’m definitely not overlooking Martinez. I know that he’s going to do his best and that excites me,” sabi ni Jerwin, bitbit ang 33-1-2 record habang si Fernando ay nagpapahinog pa lang sa 13-0 na may 8 KOs. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.