Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ancajas ninenokan ng titulo

0 158

NATULDUKAN na ang mahigit limang taong paghahari ni Jerwin Ancajas sa International Boxing Federation junior bantamweight division nang masilat ni Fernando Martinez ng Argentina nitong Sabado sa Cosmopolitan Las Vegas sa Nevada.

Sablay sa 10th title defense ang Pinoy boxer mula Panabo nang yanigin ng karibal via unanimous decision loss 117-111, 118-111, 118-111. Agresibo ang 30-taong-gulang na Argentinian sa pag-landing ng 421 power shot kay Ancajas na may 192 lang.

Bukod sa naagaw ni Martinez ang trono, nawakasan din ang 22-winning streak ng Noypi pug. Lagpag ito sa 33-2-2 (win-loss-draw) habang napanatili ni Fernando ang unbeaten record sa 14-0.

Hinabot ni Ancajas ang ttulo noong Setyembre 2014 kay McJoe Arroyo ng Puerto Rico noong Setyembre 2016 via UD win din sa Ft. Bonifacio, Taguig. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.