Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anak sinakyod sa dibdib ni Erpat

0 209

PATAY ang 27-anyos na lalaki sa Iloilo nang saksakin ng sariling ama na napag-alamang nakainom.

Sa report, nangyari ito sa bayan ng Alimodian, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Archie Caguilla.

Sa imbestigasyon ng Alimodian PNP, lasing na umuwi ng bahay ang suspek sa Brgy. Banguingin-Lanot.

Pagdating ay pinagdiskitahan nito ang anak na hindi umano tumutulong sa pagbabalot ng mga mangga.

Dito na nagtalo ang dalawa at nauwi pa sa suntukan ng mag-ama.

Kasunod noon ay bumunot ng kutsilyo ang ama at sinaksak sa dibdib ang anak.

Tumakas naman agad ang ama habang isinugod sa ospital ng mga kaanak ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Patuloy ngayon ang manhunt operation sa suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.