Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anak pinaaresto ni tatay

0 191

Ipinaaresto ng ama ang sarili niyang anak na nagbasag ng bintana at pinagbantaan umano siyang papatayin sa Dasmariñas City, Cavite, Huwebes ng umaga.

Kasong alarm and scandal and other light threat ang kinahaharap ng suspek na si Noly Mauricia, 37, isang construction worker ng Brgy. San Francisco 2, Dasmariñas City dahil sa reklamo ng kanyang ama na si Zosimo Mauricia, 73, isa ring construction worker ng nasabi ring lugar.

Sa reklamo ni Zosimo kay P/SMSg. Aaron Abesamis, dakong alas-siyete, kahapon ng umaga nang kumakain sila ng pamilya sa loob ng kanilang bahay nang dumating si Noly at walang sabi-sabing binasag ang salamin ng kanilang bintana gamit ang kutsilyo.

Bukod dito, sinabihan pa umano ng anak ang kanyang ama na, “Papatayin kita, kukuha lang ako ng buwelo.”

Dahil dito, nagsumbong si Zosimo sa mga barangay tanod na sina Berlito Raquin Jr. at Daldwin Sumallo na nagresulta sa pagkakaaresto ng kanyang anak. Itinurn-over ang huli sa Dasmariñas CPS at kinasuhan.

Nabatid na may hindi pagkakaunawaan ang mag-ama. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.