Una sa Balita

Anak nina Juday, Ryan tatapatan si Snow Belo-Kho

By
0 1,828

Viral na nga ang video ng anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kung saan ang akala ng karamihan ay meron itong isang beauty tutorial.

Nag-a-apply nga si Luna ng isang liquid lipstick at minuwestra nito kung paano ito ilagay habang sinusundan ang ginagawa sa isang beauty vlog.

Obviously, tuwang-tuwa si Judy Ann kuing saan nag-comment pa ito saying, “Hay Luna, nakakabaliw ka anak.”

Talagang nagsasalita siya, at inglisera siya, ha, na parang tinuturuan nga niya ang netizens kung paano ito i-apply.

Susunod niya sanang gagawin ay ang paglagay ng eye shadow pero naputol na ang video.

Tatlong taon pa lamang ito pero ang bilis mag-pick up kaya nga proud na proud si Juday na siyang umaalalay dito habang nagbi-video ang kanyang anak.

Tuwang-tuwa ang mga netizen na lahat ay nakukyutan sa kanya. Kung ipagpapatuloy nga raw niya ito, tiyak na may kakumpetensiya na si Scarlet Snow, ang anak nina Hayden Kho at Vicki Belo bilang little darling of social media.

Who knows nga naman dahil sa murang edad ni Luna, mukhang ini-enjoy naman niya ang atensiyong nakukuha niya sa kakyutan ng kanyang pinaggagawa.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More