Una sa Balita

Anak nina Boyet, Sandy cancer-free na

By
0 2,670

Taos-puso ang pasasalamat ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong dahil cancer-free na ang kanilang anak na si Miguel na nagkaroon ng testicular cancer noong 2014.

Pinasalamatan ni Christopher ang Diyos at ang mga doktor ni Miguel dahil sa magandang balita na natanggap nila noong Biyernes na totally healed na ang karamdaman ng second son nila.

“The doctors said and our good Lord GOD has declared that you are healthy. You don’t have that small c but you have the big C, our Divine Healer, the Son of our Almighty ABBA Father, CHRIST JESUS. Walk in His way son, Our Lord GOD is faithful! Thanks be to our Lord GOD,” ang sabi ng award-winning actor.

“Two wonderful reasons why I’m so happy today. It’s our Primo’s birthday today. Happiest birthday Primo! Tatay and I love you very much.

“Second reason is we found out today the biopsy test result of our Miguel is negative of cancer cells. Your love and faithfulness oh Lord God is truly awesome and overwhelming,” ang reaksyon naman ni Sandy.

Anak ni Miguel si Primo at ito ang unang apo nina Christopher at Sandy. Ang mag-asawa ang nagpalaki kay Primo bago ito nag-migrate sa Amerika para makasama ang kanyang ama at ina.

***

Alden naluha sa mga batang may kanser

Good vibes Sunday. Magkasama na dinalaw nina Dra. Vicki Belo at Alden Richards ang mga bata na may sakit na kanser na naka-confine sa Phi­lippine Children’s Medical Center, Quezon City.

Kapwa naging emosyonal sina Dra. Belo at Alden nang makasalamuha nila ang mga pasyente ng Children’s Cancer Ward na donasyon ng popular celebrity beauty doctor sa ngalan ng kanyang mga sumakabilang-buhay na magulang na sina Atty. Enrique at Nena Belo.

Ikinatuwa ng mga bata at ng kanilang mga magulang ang 40-inch TV at DigiBox na ibinigay ni Dra. Belo para mapanood nila ang mga paboritong programa sa telebisyon.

Napaluha sina Dra. Belo at Alden nang kausapin nila si Andre, ang pasyente na nasa kritikal na kondisyon. Nag-alay ang dalawa ng panalangin para kay Andre at sa mga magulang nito.

Nagpasalamat si Dra. Belo sa mga young cancer patient at sa kanilang mga magulang dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya at kay Alden. Pinasalamatan din niya ang aktor sa pagsama nito sa PCMC at sa pagtulong sa pamimigay ng mga pagkain, laruan, hygiene kits, coloring books, unan at mga learning material sa mga bata na hindi nawawalan ng pag-asa na madurugtungan ang kanilang mga buhay, sa tulong ng Panginoon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy