Una sa Balita

Anak ni Vic nawindang sa pagsasayaw ni Coney

By
0 3,415

Nawindang si Vico Sotto, anak nina Bossing Vic at Coney Reyes, sa pinost niyang picture sa Twitter account na nagsasayaw ang ina niya kasama ang cast ng Victor Magtanggol.

“Why is Mama doing d Boom Boom @gmanetwork baka puwedeng ipaliwanag niyo po. #Momoland goes #Mamaland feat @ConeyReyes. Wow wow #VictorMagtanggol,” tanong ni Vico.

Sa isang dance montage ng Twitter, hindi lang si Coney ang nagsasayaw kundi maging si Eric Quizon at iba pang cast led by Alden Richards. Nakisayaw rin sina Pancho Magno, child star Yuan Francisco, Dion Ignacio, Chynna Orataleza, Andrea Torres, Janine Gutierrez at iba pa.