Una sa Balita

Anak ni tserman, 2 pa huli sa droga sa Marikina

By
0 267

Kulungan ang bagsak ng anak ng isang barangay chairman kasama ang dalawa pang katropa matapos mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang follow-up operation makaraang magsumbong ang isang tipster na may nagaganap na bentahan ng shabu sa Brgy. Tumana, kamakalawa nang gabi sa Marikina City.

 Agad naaresto ng mga miyembro ng Police Community Precinct-4 (PCP-4) na pinangunguna­han ni P/Insp. Gerardo Nuestro ang tatlong kalalakihan na sina Markson Ramiro, 32-anyos; Joey Magat, 32, at Marc Fernand Mira, 28, aircon technician, at ayon sa pulisya ay anak umano ng isang chaiman ng Brgy. Industrial Valley Complex.

 Batay sa report, nakatanggap ng tip ang pulisya na mayroon umanong nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa Ampalaya St., cor. Palay St., Brgy. Tumana kaya agad na rumesponde ang mga tauhan ng PCP-4 bandang alas-6:30 kamakalawa nang gabi.

 Naaktuhan ang tatlong suspek sa nasabing lugar na katugma sa description na binigay ng tipster at nang sitahin ay nakitaan ng isang pakete ng hinihinalang shabu na itinatago sa kanilang mga kamay.

 Nakumpiska mula sa mga suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng shabu.

 Samantala, wala pang komento ang pamilya ng barangay chairman matapos na masangkot ang anak sa iligal na droga habang nananatili sa sa Marikina detention cell ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Secton 11 ng R.A. 9165 o illegal drugs act sa Marikina Prosecutors Office.