Una sa Balita

Anak ni Sunshine na si Angelina naudlot ang pag-akyat sa entablado

0 750

Tinanggap na nina Sunshine Cruz at ng anak na si Angelina ang katotohanang hindi nakaakyat ng entablado ang huli para sa graduation nito sa K-to-12.

Nagkasya na lang si Sunshine na iposte ang graduation pic ng anak.

Ipinagmalaki ni Sunshine ang achievement ng anak at sinabing meron na siyang magka-college sa mga dalaga nya.

Isa lang si Angelina sa libo-libong estudyante na hindi dumaan sa graduation rites/ceremony dahil sa lockdown at enhance community quarantine sa buong Luzon at sa iba pang mga syudad sa buong bansa.

Dapat sana’y season ng graduation ngayong March at April, pero dahil nga sa pandemic at sa extended quarantine hindi na nagawa pang umakyat ng entablado ang mga nagtapos sa iba’t ibang school levels.

Pero umaasa pa rin si Sunshine na itutuloy ng eskuwelahan ng kanyang anak ang graduation sa ibang buwan kapag natapos na ang quarantine at lockdown. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More