Una sa Balita

Anak ni Samboy Lim sisipa sa SEA Games

0 277

ISA ang anak ng tinaguriang ‘The Skywal-ker’ ng PBA na si Avelino ‘Samboy’ Lim na si Jaimee Lim sa mga sasabak sa karatedo sa 30th Southeast Asian Games Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang sinabi ni Karate Pilipinas, Inc. president Ricky Lim matapos isumite ang listahan ng bumubuo sa pambansang koponan na sasabak sa Kata at Sparring sa Team Pilipinas Secretariat kahapon.

“She just graduated Suma Cum Laude sa University of the Philippines and she is a very promi-sing athlete,” sabi ni Lim, na magpapadala ng 15-kataong delegasyon sa Turkey para sa isang buwang training camp.

Ang pambansang koponan ay binubuo nina SEA Games multi-gold medalist Mae Eso Soriano, Mary Anne Montalvo, Miyuki Tacay at si Lim sa kababaihan habang kasama sa kalalakihan sina John Paul Bejar, Norman Montalvo, Bryan Agustin, Prince Alejo, Rexor Tacay, Shariff Atif, Oliver Manalac, Engine Dagohoy at Jayson Macaalay.

Ang coach ay si Okay Arfa kasama si Lim. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy