Una sa Balita

Anak ni Rufa Mae tumirik ang mata, nanigas

0 506

Epek ng ash fall?

Nag-alala nang husto si Rufa Mae Quinto para sa anak niya, dahil bigla nga itong nanginig o nagkumbulsyon. Eh, ‘di ba, kagagaling lang nila sa US, at na-stranded nga sila sa Hong Kong airport dahil na rin sa pagputok ng bulkang Taal.

“Feeling ng ina na magkumbulsyon ang anak dahil sa taas ng lagnat… nanigas kamay, katawan, tirik mata, hinde ko alam kung may effect ang pagsabog ng Taal volcano sa sulfur, ash fall, nasinghot ata ang hangin etc or baka pagod, sa weather, sa flight, not sure, malalaman natin yan sa pagbabalik ni Dr. @ayenuguid.

“We did all the test. For now wala ako maramdaman, tulaley Rufa Mae, nabuhusan ako ng malamig na tubig na nanaginip ata ako, feeling numb and all, anak be strong! Mommy is here. I love you.

“Thank you Lord at ok na si @alexandriamagallanes and the best Doctor, Pedia @ayenuguid! I know we are in good hands… uwi na din sana kami para chill na go go go ! Todo na to! Positivity ! Yassss😍 daddy @trevvvsilog we are being taken care of ! Ok na , don’t worry be happy baby.”

Sa next video na pinost ni Rufa Mae ay masaya na nga siya.

“Go go go fight fight fight lang ang ganap! Salamat sa lahat ng prayers. We go go home now! See you homie. Salamat sa lahat ! Todo na to! How are you all? Have a sunny day y’all.”

Kaaliw rin talaga magkuwento si Rufa Mae, ‘di ba? (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More