Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anak ni Pacman nagpabilib sa rap

0 392

SINTALAS ng suntok ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao ang rap skills ng kanyang anak na si Michael Pacquiao matapos maglabas ng kanta para sa ama.

Sa YouTube page ng ikalawang anak ni Manny na si Michael ay nag-release ito ng makabuluhang kanta kung saan kinukwento ang angas ng kanyang tatay sa larangan ng boxing.

Ang nasabing rap ay inakma rin niya sa alyas ng kanyang itay bilang si ‘PacMan’.

Marami naman sa mga netizen ang napabilib sa angking galing ng batang Pacquiao dahil may ibubuga umano ito sa larangan ng musika. (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.