Una sa Balita

Anak ni Noli tsinugi sa DOT

By
0 1,426

MULA sa pagiging Undersecretary ng Department of Tourism ay inilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte si Kathe­rine Chloe de Castro bilang member, Board of Directors ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13).

Ang appointment ni De Castro, anak ni broadcaster Kabayan Noli de Castro ng ABS-CBN, ay pinirmahan ng Pangulo noong August 20, 2018. Pinalitan ni De Castro si Manolito Cruz, at may termino ito hanggang sa June 30, 2019.

Matatandaang isa si De Castro sa mga pinagsumite ng courtesy re­signation sa Department of Tourism matapos maupo ang bagong kalihim na si Berna Romulo-Puyat.

Subalit imbes na magbitiw, kumapit ito sa puwesto kaya inilagay sa floating status.

Nakaladkad ang pa­ngalan ni De Castro sa kontrobersiyal na P120 milyong ads ng DOT sa programa ni Ben Tulfo sa PTV-4 at sa ilang mil­yong pisong travel allowance na kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA).

Sinalo naman ni Edwin Enrile ang binakanteng puwesto ni De Castro sa DOT.

Simula noong Marso 2017, nag-o-operate ang IBC-13 sa low powered signal pero napapanood pa rin ito sa mga cable television at satellite provider.

Ipinabebenta na ito ng gobyerno mula noong 2017.