Una sa Balita

Anak ni Melanie Marquez, type lumaban sa Miss Universe

By
0 409
Michelle Dee

Kilala na ang pangalan na Michelle Dee sa modelling world, pero hindi mapagkakaila na malaki ang kinalaman ng kanyang inang si Melanie Marquez.

Bukod sa pagiging Miss International 1979 ni Melanie, naging kauna-unahang Philippine representative ito sa 1986 Supermodel of the World. Minana ni Michelle ang kanyang model features sa kay Melanie.

Sa edad na 22, graduate na si Michelle sa kanyang kursong Psychology sa De LaSalle University. Iyon daw kasi ang unang pakiusap ni Melanie sa kanya, na makatapos siya ng pag-aaral bago ito mag-fulltime sa pagiging modelo nito.

Pati ang kanyang personal life ay on-hold dahil nangako ito sa kanyang ina na hindi muna magbo-boyfriend at mag-concentrate ito sa pag-aaral at sa modelling.

“Laging sinasabi ni mommy na seryosohin muna ang career, ‘wag muna lalaki, kailangan mas matangkad sa’yo, kailangang mas pogi, ‘wag ko raw siyang gayahin pagdating sa lovelife na magulo,” ngiti pa ni Michelle.

Tuwing may photoshoots nga raw si Michelle, hindi maiwasan na ikumpara siya sa pamoso niyang ina.

Melanie Marquez
Melanie Marquez

“The comparison is always there pero my mom makes a very good effort on making sure na hindi ako napi-pressure,” diin pa niya.

Sa tanong kung nais ba niyang sumali rin sa isang beauty pageant, ang sagot ni Michelle ay hindi niya sinasara ang kanyang pinto sa anumang possibility of joining a beauty pageant.

Ang lumaban sa Miss Universe ang gusto ni Michelle dahil Miss International na ang kanyang ina. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy