Una sa Balita

Anak ni Jean Garcia buntis, namundok

Ayaw na sa showbiz

By
0 3,893

Kesehodang buntis si Jennica Garcia (anak ni Jean Garcia) sa ikalawang baby nila ng ­mister niyang si Alwyn Uytingco, sumama pa rin ito na umakyat sa Mountain Province.

Kasama rin ang anak nila na si Mori sa mahabang biyaheng ito ng kanilang pamilya. Pinayagan naman daw ng doktor si Jennica at hindi naman daw makasasama sa dinadala niyang baby ngayon.

Heto ang post ni Jennica:

“Pamilya Uytingco goes to the Mountain Pro­vince! ☺ 10-11 hours ang byahe namin by bus tungo sa Tabuk.

Pagdating namin doon, 4-5 hours naman by jeep paakyat sa Buscalan and lastly 1-2 hours by foot to reach the village.

Para sa mga nag-aalala dahil ako ay buntis, maraming salamat po! I was able to see my doctor yesterday and was given a go signal that YES I can travel.

My husband even got me shoes that’s meant for hiking para hindi ako madulas. Kakatuwa! Isa lang kasi ang rubber shoes ko at nabutas na yung sole. Naka nga-nga na rin siya pinapasok na ng tubig. Pag maalala ko kunan ng litrato ipapakita ko sa inyo.

“Please pray that we make it there safely. Ganon na rin sa mga ibang bus na bumabyahe ­ngayon, saan man ito papunta.”

Mukhang enjoy na talaga si Jennica sa buhay ­niya ngayon at hindi na niya type magbalik-­showbiz pa, ha!