Una sa Balita

Anak ni Janice, in-lavey kay Jake Vargas!

By
0 10

Nalulungkot sina Jake Vargas at Inah de Belen sa nalalapit na pagtatapos ng teleseryeng Oh My Mama. Sa teleseryeng ito nabuo ang relasyon ng dalawa na hindi nila itinanggi. Kahit panay ang iyak ni Inah sa mga eksena niya sa nasabing teleserye at mga problemang eksena ni Jake ay hindi naging dahilan para sa maganda nilang relasyon.

Kung kailan nalalapit na ang Pasko ay doon pa natapos ang kanilang teleserye. Sa ngayon ay hindi pa nila alam ang plano nila sa Pasko.

Si Inah ay kasama ang buong pamilya de Belen sa 24 habang sa Pasko ay kasama nila ang ama. Si Jake naman ay sa Olongapo kasama ang pamilya.

Sigurado naman ako na may isang araw silang nakalaan sa isa’t isa. Mahilig pala si Jake sa mga kasukat niya gaya ng ex niyang si Bea Binene.

Sa set ng Oh My Mama ay nakausap din namin ang dalawang simpatico at guwapong sina Jeric Gonzales at Phytos Ramirez. Parehong hindi pa nila alam kung ano planong project ang ibibigay sa kanila after ng Oh My Mama.

Wish ni Jeric na maisama siya sa sequel ng Mulawin na planong ipalit sa Encantadia.