Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anak ni Goma naka-bronze

0 186

BUMAGAHE ng tansong medalya sa 2021 PFA Open Fencing Championship at SEA Games Qualifying tournament first leg si Juliana Gomez, anak ni Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Wagi ng bronze medal si Gomez at si Princes Honey Arbilon sa senior women’s epee event habang bumida si Jaymi Delos Santos para sa unang pwesto at Hanniel Abella bilang silver medalist.

Si Gomez ang unica hija ni Mayor Gomez na namumuno rin bilang presidente ng Philippine Fencing Association at Philippine Olympic Committee (POC) second vice-president.

Samantala, komopo ng ginto sa first leg sina Samantha Catantan (senior women’s foil), Jylyn Nicanor (senior women’s saber), Cyrelle Anne Schofield (junior women’s epee), Aurell Florence Obzunar (junior men’s epee), Noelito Jose (senior men’s epee), Christian Jhester Concepcion (senior men’s saber) at Nathaniel Perez (senior men’s foil).

Gaganapin ang second leg ng torneo, qualifying tournament para sa 31st SEA Games sa Vietnam, sa Huwebes at Biyernes.

Matapos ang third leg, ang mga mangingibabaw na fencer ay magkakaroon ng national team slot. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.