Una sa Balita

Anak ni Gabby na si Garie pumalag sa panlalait

By
0 2,688

Hindi napigilan ni Garie Concepcion na buweltahan ang isang netizen na ininsulto sila ng kanyang ina na si Grace Ibuna. Nilait nga ang itsura nila at ikinumpara pa sa ibang magaganda.

Nu’ng una ay isang follower niya ang nagtanggol sa kanila ng kanyang ina hanggang nagkakasagutan na sila. Pagkatapos nito ay hindi na nakapagpigil ang anak ni Gabby Concepcion kay Grace sabay sabi na huwag magsalita nang hindi maganda sa kanyang ina dahil hindi niya ito kilala.

Siguro kung siya lang ang sentro ng usapan ay dededmahin na lamang ito ni Garie dahil alam niya na nu’ng pumasok siya sa showbiz ay bahagi ito ng mundong kanyang pinasok.

Hindi pa man nararanasan ni Garie ang bonggang popularidad katulad nang kanyang half-sis na si KC Concepcion pero positive naman siya sa pananaw niya sa kanyang acting at singing career.