Una sa Balita

Anak ni El Shaddai Velarde pinoste sa TESDA

0 362

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anak ni El Shaddai leader brother Mike Velarde na si Mariano Michael Velarde Jr. bilang deputy director general ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Si Velarde na dating Buhay Party-list representative ay kasama sa mga bagong appointee na inilabas ng Malacañang kahapon.

Sa kanyang bagong puwesto ay inaasahang magiging abala si Velarde dahil gusto ni Pangulong Duterte na mapalakas at mapalawig ang sakop ng mga sektor na mabibigyan ng libreng training ng TEDSA, kabilang na dito ang OFW at mga nagbalik-loob na mga miyembro ng New People’s Army.

Bukod kay Velarde, kasama ring binigyan ng appointment sina Marlene Padua at Alejandro Caba­ding bilang board members ng PhilHealth na kakatawan bilang health care providers at expert panel. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy