Una sa Balita

ANAK NI CHERIE, SENTRO NG KILIG SA SOCIAL MEDIA!

By
0 5
Cherie at Raphael
Cherie at Raphael

Binista ang primera kontrabida ng Alyas Robin Hood na si Cherie Gil ng ­kanyang anak na si Raphael Eigenmann ­Rogoff. ­Pinost agad ni Cherie sa kanyang Instagram ­account ang photo nila ni Raphael habang nasa isang restaurant sila sa Tagaytay.

Maraming netizens ang biglang nagka-crush at kilig na kilig sa anak ni Cherie dahil mukha itong international male model. Puwede rin daw itong mag-artista sa Pilipinas since nasa dugo ­naman nito ang pag-aartista.

Heto ang post ni Cherie:

“I’m one lucky mama! With my @raph­rogoff @antoniostagaytay one of our fave happy ­places.”

Anak ni Cherie si Raphael sa kanyang ex-husband na si Rony Rogoff. May isa pa siyang anak dito na si Bianca. Ipinanganak ni Cherie ang ­kanyang dalawang anak kay Rony sa Italy.

Ayon pa sa aktres, wala raw balak na pasukin ni Raphael ang showbiz dahil kasalukuyang nag-aaral ito sa New York University.

Nagbakasyon lang daw si Raphael sa ­Pilipinas para mabisita ang kanyang ina at mga pinsan nito.