Una sa Balita

Anak ni Cherie Gil international actress na

0 2,062

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyKung pagandahan lang naman ng lahi sa showbiz, number one sa listahan ang Eigenmann family.

Muli ay nasilayan ng madlang people kung gaano kabagsik ang pinaghalong dugo nina Rosemarie Gil at Eddie Mesa, sa social media post ni Cherie Gil.

Ipinost ni Cherie ang larawan ng get-together nilang buong pamilya para sa send-off party ng anak nyang si Bianca Rogoff na ngayon ay pinasok na rin ang pag-aartista.

Gagawa ng international film si Bianca (anak ni Cherie sa international musician na si Ronnie Rogoff) na kukunan sa Palawan.

Bilang support kay Bian­ca sa pagpasok nito sa showbiz at sa kauna-unahan nitong film project,­ nagtipon-tipon ang halos lahat ng mga Eigenmann na sina Cherie, Gabby, Andi, kabilang na ang kani-kanilang mga anak, kasama si Ellie na anak ni Andi kay Jake Ejercito.

“One more time before she’s off to shoot her film. We will miss you @bianca.rogoff #familylove #stevieeigengirl @gabbyeigenmann @andieeigengirl.”

Limang photo ang masisilip sa post na ito ni Cherie at lahat sila ay maganda, guwapo.

Lara feeling emo dahil kay Noah

Malapit na ngang manganak ulit si Lara Quigaman sa second baby nila ni Marco Alcaraz. At madalas naming nakikita na tila lumuha si Lara dahil sa kanyang panganay na anak.

“A photo of me and 8 month old Noah 5 years ago in Boracay and now in less than three weeks – I’ll be holding a brand new baby boy! (just typing this making me cry). Travelling with a baby was such a hard work but it was truly worth it!

“It wouldn’t have it any other way- and in my ‘mamas’ state right now, planning our next adventure with Marco, Noah and of course Tobias cheering me up!!

“I wonder where we are off to next?”

Sa kanya namang IG post, pinoste rin ni Marco ang mga larawan naman nila ni Lara kasama ang kanilang anak na si Noah, at dito sinabi niyang tinatanong na siya ng asawa kung kailan sila uli magbabakasyong dalawa.