Una sa Balita

Anak ni bossing Vic, gigibain ang mga Eusebio sa Pasig

0 1,065

Naniniwala si Pasig City Councilor Vico Sotto na hindi hadlang ang edad at tagal sa serbisyo para maisakatuparan niya ang hangaring maiangat pang lalo ang imahe ng Pasig City.

Kasama ang anak nina Bossing Vic Sotto at aktres na si Connie Reyes sa mga nanumpang kasapi ng Aksyon Demokratiko sa Club Filipino sa San Juan City kahapon nang umaga.

Nanalo siyang konsehal sa una niyang pagtatangka sa politika noong 2016.
Sa isang tweet, sinabi ng 29-anyos na Sotto na magiging plataporma niya ang transparency at mabu­ting pamumuno para tuluyang maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno.

Tatangkain ni Sotto na gibain ang ilang dekadang paghahari ng mga Eusebio sa lungsod na pinamumunuan ngayon ni incumbent reelectionist Mayor Roberto ‘Bobby’ Eusebio.

Ang Pasig ang ika-siyam na lungsod sa Metro Manila na may malaking populasyon.

Samantala, naniniwala naman ang abogadong si Ruben Carranza na panahon na para tuldukan ang paghahari ng mga Eusebio at ang kuwalipikadong susunod na ma­ging lider ng Pasig ay ang bunsong anak na lalaki ni Bos­sing Vic.
Nagpasalamat naman ang batang Sotto sa tiwalang bumubuhos sa kanyang kandidatura.

“Salamat sa inyong tiwala. Panahon na para baguhin natin ang kultura ng pulitika sa ating lungsod. Let’s govern with transparency. Bigyan natin ng pagkakataong makilahok ang tao sa governance. Para maramdaman naman ng pinakamahihirap ang pag-asenso ng Pasig,” ayon pa sa batang Sotto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy