Una sa Balita

Anak ni Bong Go Top 3 sa CPA board exam

0 414

PUMANGATO sa Certified Public Accountant (CPA) Licensure Exa­mination ang anak ni Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Ayon sa Professional Regulation Commission, nakakuha si Christian Lawrence Go ng 89.50% score.

Nagtapos ang batang Go ng summa cum laude sa De La Salle University sa Maynila at gold me­dalist at miyembro ng Jose Rizal Honors Society.

Proud daddy naman ang senador sa pagkakasama sa Top 12 ng CPA board exam ng kanyang anak.

“I am very proud of my son. Hindi ko mailarawan ang kaligayahang nadadama ko ngayon. Nagkataon na pareho kaming top 3—ako noong nakaraang halalan at siya ngayon naman sa CPA licensure exams,” sabi ng senador sa isang statement.

Wish naman ng senador na maging matagumpay sa kanyang career ang kanyang anak na CPA.

“I’m also happy that we now have a new roster of certified public accountants. Sana gamitin ng mga bago nating CPA ang kanilang propesyon upang matulungan ang ating bansa. Congratulations sa lahat ng passers and may you all practice your new profession conscientiously,” dagdag pa nito. (Dindo Ma­tining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy