Una sa Balita

Anak ni Belgica ipinuwesto sa Anti-Red Tape Authority

0 305

HINIRANG ni Pangulong Rodrigo Duterte si Atty. Jeremiah Belgica bilang director general ng Anti-Red Tape Authority na nasa ilalim ng Office of the President.

Si Atty. Belgica ay anak ni Grepo ‘Butch’ Belgica at bunsong kapatid ni Commissioner Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Ang appointment ni Atty. Belgica ay inilabas ng Malacañang nitong Biyernes kasama ang iba pang appointee.

Pangatlong Belgica siya na binigyan ng puwesto sa administrasyong Duterte. Una si Commissioner Belgica sa PACC at sinundan ng kanilang amang si Grepor na itinalaga bilang Presidential Adviser for Religious Affairs noong Mayo.

Isang practicing lawyer, pastor, at licensed real estate broker si Atty. Belgica.

Kilala ang pamilya Belgica sa kanilang adbokasiya kontra korapsiyon. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy