Una sa Balita

Anak ni Albert Martinez muntik nang mabiktima sa hostage incident sa L.A.

By
0 2,897

I am thanking God for sparing my family from this tragedy that could have easily been one of us. This is our Trader Joe’s branch that we frequent we were there and left exactly 1 MINUTE before this man held hostage around 40 people in the store and open fired killing 1 woman and injured little children!

‘I remember I was messaging my sister Alissa right as we were leaving the parking lot not knowing what was going to happen at the exact same spot right before it happened and I just checked the time stamp and it was at 1:29! This happened at 1:30!!!’

Ganiyan ang post sa Facebook ng panganay na anak nina Albert Martinez at Liezl Sumilang-Martinez (SLN) kaugnay ng isang hostage-incident sa Los Angeles, California. May kinalaman sa isang gunman na nang-hostage sa loob ng Trader Joe’s supermarket sa Silver Lake neighborhood ng L.A. noong Saturday ang pinost na ‘yon ni Alyanna Martinez-Macam.

Abante Hiring – IT dep

Si Alyanna ay dating kilalang stylist to the stars sa local showbiz hanggang magdesisyong magpakasal sa kilalang photographer na si Roy Macam at manirahan na sa L.A.

Marami nga sa malalapit kay Alyanna ang sobrang thankful at hindi sila nadamay sa insidenteng ‘yon.

Richard nakatulog sa kotse sa sobrang jet lag

Co-manage na ng Star Magic si Ri­chard Gutierrez, pero tutok na tutok pa rin si Annabelle Rama sa kanyang anak cum talent, kaya naman nang mag-pitch sa aktor ang Star Cinema para sa pelikulang Fantastika, The Princesses, The Prince, and The Perya ay panay ang remind niya.

So, kahapon, ang aga pa ay nangungulit na si Bisaya kay Richard para nga sa meeting sa Star Cinema. Alam mo naman si Bisaya, ayaw na ayaw niya na nali-late ang kanyang mga artista.

Eh, dahil sa jet lag, 5:00AM pa lang ay gising na si Richard, kaya walang problema sa lovey-dovey ni Sarah Lahbati kahit na panay ang kulit nga sa kanya ni Bisaya.

Malayo ang bahay ni Richard, kaya naman ang aga niyang umalis papuntang ABS-CBN.

Pero dahil wala ngang pasok kahapon sa mga eskuwelahan dahil sa ulan (na tumigil na rin), hindi na-traffic si Richard at ang aga niyang nakarating sa ABS-CBN at nag-stay na lang muna sa car.

“Naku, nasa ABS-CBN na si Chard, pero nasa car lang. Huwag mo na lang tawagan kasi nakatulog. Sobrang jet lag kasi,” sey ni Bisaya.

During the meeting nga, sinabi ni Richard na sobrang jet lag siya since dumating sila noong Friday.

“Ni hindi pa ako nakakapag-unpack ng mga gamit, then aalis na uli ako on Thursday,” sey ni Richard.

Papunta nga kasi kami ni Richard sa Kissimmee, Florida para sa isang TFC event doon.

“Feeling ko, may jet lag pa rin ako pag-alis natin sa Thursday,” natatawang sabi ni Ri­chard.

Sabi naman ni Ms. Olive Lamasan, ang head ng Star Cinema, kahit siya raw, kapag galing sa Europe ay ang tindi ng jet lag.

Sabi naman ni Richard, mabuti na lang at pumayag ang Star Cinema na pagbalik na niya galing ng US at saka siya magsu-shooting para sa Metro Manila Film Festival 2018 entry nila.

Noong una kasi, sinabihan siya na magsu-shooting na bago siya pumunta ng Florida.

Pinayagan din siya ng mga taga-Star Cinema na mag-stay ng tatlong araw dahil may aasikasuhin siya roon. Actually, aasikasuhin ni Richard doon ‘yung sasakyan niya na binili niya at kailangan niyang ayusin ang insurance at registration.