Una sa Balita

Anak ng Mexican drug lord pinalaya matapos ang 4 oras na barilan

0 522

NAHULI ng mga pulis sa Mexico ang anak ng kilabot na drug lord na si Joaquin ‘El Chapo’ Guzman subalit pinalaya rin matapos silang ratratin sa loob ng apat na oras ng mga miyembro ng Sinaloa Drug Cartel.

Dadalhin sana sa Estados Unidos si Ovidio ‘The Mouse’ Guzman kung saan nakakulong ang kanyang ama pero nagdatingan ang mga gang kaya’t napasabak sa barilan ang mga awtoridad.

Matapos ang mahabang palitan ng putok, nagdesisyon ang security forces ng Mexico na umatras at iwanan si Ovidio sa hideout nito sa Culiacan.

Pitong katao ang namatay, lima ay mula sa Sinaloa Gang, isang miyembro ng national guard at isang sibilyan.

Sinuspinde ng Security Cabinet ng Mexico ang operasyon upang mailigtas ang mga sibilyan na madamay sa bakbakan ng magkabilang panig.

Inamin ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador na kinailangan nilang palayain ang naarestong anak ni El Chapo upang hindi madamay ang mga sibilyan sa war zone.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy