Una sa Balita

Anak ng magsasaka UK nurse of the year

By
0 599

Tinanghal bilang nurse of the year sa United Kingdom (UK) ang 44-anyos na Pilipino nurse mula sa Bongabon, Nueva Ecija.

Ang Filipino nurse na si Ridel Francisco, nurse sa Lynde House sa Richmond ay napili bilang nurse of the year sa 2018 Barchester Care Awards.

Si Francisco ay unit manager sa private care home ang napili sa may 1,500 nominado.
“Napakasaya ko. I’m proud of it, of my hard work in the UK,” ayon kay Francisco, na may 13 taon nang nagtratrabaho sa UK bilang nurse.

“I’m very proud being a Pilipino. Una sa UK, maraming Pilipino nurses at nai-represent ko ang hard work at dedication ng mga Pilipino, which is very known na mahuhusay na nurses sa UK at sa iba pang bansa,” dagdag pa ni Francisco.

Si Francisco ay ininomina ng kanyang dating pasyente sa Lynde House resident na si Yvonne Hewett,72.

Itinuring umano ni Alison McIntosh, general manager ng Lynde House na great nurse si Francisco dahil sa kakaibang istilo at technique sa pag-aalaga ng kanyang mga pasyente.

Si Francisco ay anak ng isang magsasaka sa Bongabon, Nueva Ecija at bago nakapagtapos ng kolehiyo sa Good Samaritan College sa Cabanatuan ay nakapagtanim muna ng katakot-takot na sibuyas.

Bukod sa pagtatanim ng sibuyas, nasubukan rin niya na magtanim ng palay.

Bago nakapagtrabaho sa UK, pagka-graduate niya noong 1996 ay nagtrabaho muna siya sa Department of Health sa Cabanatuan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy