Una sa Balita

Anak ng jeepney driver nagtapos sa Harvard

0 1,385

Minsan pang pinatunayan ng isang Pinoy na ang kahirapan ay hindi sagabal sa pangarap sa buhay.

Ginawa ito ni Atty. Ryan Hartzell C. Balisacan nang kompletuhin niya ang Master of Laws sa prestihiyosong Harvard University sa Cambridge, Massachusetts.

Nagtapos ng abugasya si Balisacan sa University of the Philippines (UP) noong 2009, pumasa sa Bar at nakapagtrabaho sa Department of Justice hanggang sa Office of the Ombudsman bilang Graft Investigator and Prosecution Officer.

Isa siya ngayon sa tumutulong sa prosekus­yon sa mga nakabinbin na pork barrel case sa Sandiganbayan.

Ngunit bago ito narating ni Balisacan, nanggaling lamang siya sa payak na pamilya.

Kahit isang jeepney driver lamang ang kanyang ama, naigapang pa rin ang kanyang pag-aaral.

Sa kanyang paglaki, hindi na siya naging pabigat sa kanyang ama dahil sa mga nakuhang scholarship sa kolehiyo gayundin sa pag-aaral ng abugasya.