Una sa Balita

Anak ng comedian/actor timbog sa marijuana

By
0 2,496

NADAKIP ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang anak ng isang kila­lang actor/comedian­ at dalawa nitong kasama­ sa isinagawang­ buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ang mga suspek na sina Michael Clarion, alyas ‘Kelo’, anak ng actor/comedian na si Dinky Doo; Junard Salas at Jerome Lorenzo, pawang residente ng Palawan St., Brgy. Pag-asa, Quezon City.

Batay sa report kay QCPD Station 4 Commander, P/Supt. Rossel Cejas, ang tatlo ay nadakip dakong alas-10:30 nang gabi sa Road 8, Brgy. Pag-asa, sa nasabing lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang halos isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P95,000 drug pharaphernalia at buy-bust money.

Ayon kay Supt. Cejas,­ matagal na nilang sinusubaybayan­ ang kilos ng mga suspek­ makaraang matukoy na sila ang nagtutulak ng marijuana at bawal na droga kaya isinagawa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Ang mga suspek ay nakapiit ngayon sa detention cell ng QCPD Station 4 habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.