Una sa Balita

Anak ng chicharon vendor, UP Tacloban magna cum laude

0 849

Mula pagkabata hanggang sa kolehiyo, ang pagtitinda ng chicharon ang ikinabubuhay ng pamilya ni Kim D. Limosnero ng Palo, Leyte.
Maliit pa lang si Limosnero nang mamatay ang kanyang ama dahil sa liver cirrhosis kaya’t pinasan na ng kanyang ina ang pagbuhay sa kanilang magkakapatid.

Hanapbuhay ng namayapa niyang ama ang magtinda ng chicharon, kaya’t ito na rin ang ipinagpatuloy ng kanyang ina.

“As small children, the only help my two brothers, sister and I could offer was to pack chicharon pieces by hand into small transpa­rent cellophane. Ang pack of chicharon is normally sold for P2 in small sari-sari stores,” pagbabalik tanaw ni Limosnero.

Habang lumalaki, tumulong na rin ang magkakapatid para mapayabong ang kabuhayan ng kanilang ina.

Aniya, alas-kuwatro pa lang ng umaga ay bumabangon na ang kanyang ina upang ihanda ang mga ibebentang chicharon bago sasakay ng multicab patungo sa malalayong lugar ng Samar at Leyte.

“They travel hundreds of kilometers in each delivery cycle,” kuwento ni Limosnero.
Upang makatulong sa benta, nagtinda rin si Limosnero ng chicharon sa Palo National High School kung saan siya nagtapos na valedictorian at sa University of the Philippines Visayas Tacloban College kung saan naman siya hinirang na Magna Cum Laude sa kursong Ba­chelor of Science in Accountancy.
Sa graduation ni Limosnero noong Hunyo 26, nangilid ang luha ng kanyang ina dahil sa kasiyahan lalo na nang malaman ang academic achievement ng kanyang anak.
“Kahit di ka man nakapagtapos ng kolehiyo, nakakamangha na nakaya mong buhayin at pag-aralin mag-isa kaming apat na magkakapatid sa loob ng labinlimang taon iyon,” wika ni Limosnero sa kanyang valedictory speech.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy