Una sa Balita

Anak ng Capiz farmer iskolar ng US university

0 509

ISANG anak ng magsasaka sa Sigma, Capiz ang natanggap na iskolar ng prestihiyosong Wesleyan University sa Connecticut, USA.

Si Andrean Paul Alogon, 18-anyos, ay isa sa 11 binigyan ng four-year scholarship grant sa pamamagitan ng Freeman Asian Scholarship Program ng nasabing university.

Ayon sa website ng Wesleyan University, ang mga estudyanteng may full tuition scholarship ay libre ang tuition at student fees. Pinipili ang 11 iskolar mula sa China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Malaysia, Pilipinas, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand at Vietnam.

Nagtapos si Alogon sa Philippine Science High School na may mga high honor at tumanggap din ng Excellence Award in Physics. Plano niyang kumuha ng double degree sa physics at economics.

Hindi makapaniwala ang tinedyer na natanggap siya sa Wesleyan University lalo pa’t napakahirap ng pagsusulit sa scholarship.

Sa kanyang Facebook post, kinuwento ni Alogon na nanggaling siya sa mahirap na komunidad sa Capiz kaya’t nagkaroon siya ng culture shock nang makapasok sa Philippine Science High School dahil ang mga kaklase niya ay mayroong prestihiyosong background.

Subalit nakapag-adjust din siya kalaunan ay naging miyem­bro ng debate team at nahalal na student council vice president.

Sinabi ni Alogon na gusto lang niyang patunayan na ang PSHS ay hindi lang para sa mayayaman kundi para din sa mahihirap na may angking talino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy