Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anak ng alkalde, 1 pa utas sa Batangas road mishap

0 136

Patay ang anak ng alkalde ng San Pascual, Batangas matapos mawalan ng kontrol ang minamaneho niyang sasakyan, Sabado ng hapon.

Sa ulat ng pulis Batangas City, sinabing binabagtas ni Mark Patrick Dimayuga ang national highway sa Barangay Soro-Soro, Batangas City noong 5:30 ng hapon, Peb. 27, nang mawalan siya ng kontrol pagkatapos mag-overtake.

Nasagasaan niya ang isang Nelson Gutierrez, na nag-aabang ng masasakyan, habang sumalpok ang behikulo niya sa isang poste ng kuryente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dineklarang dead on arrival si Dimayuga sa Golden Gate General Hospital, habang si Gutierrez ay dead on the spot.

Si Mark Patrick ay anak ni San Pascual Mayor Tony Dimayuga.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.