Una sa Balita

Anak ng administrador ng Tagbilaran LGU timbog sa ecstasy

0 286

ARESTADO ang anak ng city administrator ng Tagbilaran City, Bohol matapos itong makuhanan ng mga party drug na ecstasy tablet sa isinagawang buy-bust operation noong Sabado nang hapon sa isang hotel sa nabatid na lungsod.

Hindi na nakapalag nang dakpin ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Visayas ang suspek na nakilalang si Eric John Borja, 26, anak ni Tagbilaran City Administrator Leo­nides ‘Edi’ Borja, base na rin sa kumpirmasyon ni NBI Bohol Director Atty. Renan Oliva.

Sa ulat, isang buy-bust operation ang isinagawa ng awtoridad sa Crescent Hotel na matatagpuan sa Gallares St., Tagbilaran City, Bohol noong Sabado.

Napag-alaman na doon umano kikitain ng suspek ang kanyang mga kliyente na kukuha sa kanya ng mga party drug subalit lingid sa kaalaman nito ay mga operatiba pala ang kanyang mga katransaksyon dahilan ng kanyang pag-aresto.

Nakuha sa suspek ang 7 piraso ng ecstasy tablet na nagkakahalaga ng P12,000.(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy