Una sa Balita

Anak binaboy: Sunshine nagwala sa galit

By
0 1,428

Sumawsaw na ang ibang mga artista para kondenahin ang nangyaring diumano ay pagpapadala ng mga malalaswang mensahe kay Sunshine Cruz, na siyang dahilan ng galit nito at paglalantad sa kanyang Instagram wall ng pangalan ng isang chef na ang pangalan daw ay Lorence.

Ginamit ni Sunshine ang kanyang social media account para ibahagi ang pinaniniwalaan niyang panlalaswa sa kanya at sa kanyang anak ng natu­rang chef sa pamamagitan ng direct messaging nito sa kanya.

Sunod-sunod na post ang ginawa ni Sunshine para ipangalandakan ang gigil niya sa pambabastos sa kanya ng nasabing chef.

Sa unang post ni Sunshine na nagpapakita ng mga mensahe sa kanya ni Lorence, nag-react na agad si Karla Estrada.

“Bastos!! Sarap itali sa puno at pakagat sa hamtik! Manyakis!” sabi ni Karla.

Heto pa ang reaksiyon ng ibang artista:

“Naku po!!! Wala nang mukhang maihaharap yan!” say naman ni Christopher Roxas.

“I wonder anong kababuyan nya sa food na siniserve nya @sunshinecruz718!” Teresa Loyzaga.

Sa second posting ni Sunshine ipinakita na niya sa IG niya ang IG account ng lalaki na may nakalagay na “no posts yet.” Dito inudyukan na ni Karla na i-report na ang kanyang kaso sa authority, “Go report Shine! Hindi natin dapat pinapalagpas ang mga ganyang klaseng kababastos!”

Sa ikatlong post ni Sunshine ibinalandra na nito ang larawan ni Lorence. Nagkomento na rito sina Ara Mina at Aiko Melendez.

Nagpadala ng mensahe ang kom­paniya/restoran (Conrad Manila Hotel) kay Sunshine na tutulong para mapaimbestigahan ang kaso sa chef.

Sa pang-apat na post ni Sunshine, muling naglabas ng kanyang saloobin si Karla.

“Ayan! Kaya dapat mag-isip muna bago mangbastos kahit sa social media para ‘di ka mapa-NBI!” sabi pa ni Karla.

“Good for him!” sey naman ni Aiko.

Itinanggi naman ni Lorence na siya ang nagpadala ng nasabing mga verbal/sexual assault kay Sunshine at sa anak nito, at sinabing na-“hack” ang kanyang account.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy