Una sa Balita

Anak-anakan hinalay

By
0 1,396

“Hayop ka! Isa kang demonyo. Mamatay ka na p—– ina mo!”

Ito ang malulutong na salita na nasambit ng isang babae sa kanyang ama-amahan makaraang madiskubre nito na paulit-ulit na hinalay ng huli ang Grade 6 pupil nitong kapatid sa Valenzuela City.

Magsisi man ay huli na para kay Roberto Desacula, 32, naninirahan sa Barangay Gen. T. De Leon, dahil kapag nagkataon, habambuhay na pagkakabilanggo ang naghihintay na hatol sa kanya ng korte kapag napatunayang nagkasala.

Base sa report ng Women’s and Child Protection Desk (WCPD) ng Valenzuela Police, nadiskub­re daw ni ‘Vangie’ (‘di tunay na pangalan) na paulit-ulit na ginagahasa ng step father niya ang kapatid.

Nagsabi daw ang biktima sa kanya hinggil sa ginagawang kahayupan ng ama-amahan.

Napag-alaman na isinasagawa ng suspek ang panghahalay sa anak ng kanyang kinakasama kapag wala sa bahay ang huli.