Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anak 1 taon hinalay, magsasaka timbog

0 42

Arestado ang isang magsasaka sa Quezon, Nueva Vizcaya matapos niyang gawing ‘sex slave’ ang kanyang 13-anyos na anak na babae sa loob ng mahigit isang taon.

Tinukoy ng Quezon Police Station (QPS) ang suspek na si Diego Damias, 35, residente ng nasabing bayan.

Ayon sa QPS, nagsimula ang panggagahasa ng suspek sa kanyang anak na si alyas ‘Nene’ noong Abril 2020, subalit dahil sa takot at pagbabanta ng kanyang ama na may mangyayaring masama sa kanya ay hindi kaagad siya nakapagsumbong sa mga awtoridad.

Kuwento ni Nene sa mga pulis, ginagapos umano siya ng suspek sa tuwing pinagsasamantalahan siya sa loob ng kanyang kuwarto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Tinatali pa po niya ang aking mga kamay at pinapatuwad, saka niya ako gagahasain,” saad ng biktima.

Muli aniyang naulit ang panghahalay tuwing umaalis ang asawa ng suspek dahil sa kanyang trabaho. Noong Hunyo 2020, nagsumbong na ang biktima sa kanyang ina, dahilan upang dumulog na ang mga ito sa pulisya.

Dito, inaresto si Damias sa Tinoc, Ifugao sa bisa ng warrant of arrest. Walang inilaan na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.