Una sa Balita

Annabelle masaya sa ‘hiwalayang’ Ruffa-Jordan

0 363

abante-anything-goes-jun-lalinSinamahan namin si Annabelle Rama sa office ng Viva noong isang araw kung saan ay nag-meeting sila ni Boss Vic del Rosario.

Ang katatapos na midterm elections ang isa sa napag-usapan nila at pareho sila ng komento na move-on na at tanggapin ang elections result.

Humanga nga pala si Bisaya sa newly-renovated office ni Boss Vic.

“Mukhang ang dami mong pera,” sey ni Bisaya at natuwa lang ang producer ng Viva.

Nang makaalis na kami at nasa sasakyan na, sinita ako ni Bisaya sa isinulat ko na hiwalay na si Ruffa Gutierrez kay Jordan Mouyal.

“Tita, ang mga kaibigan ni Ruffa ang source ko na bored na siya!” sabi ko.

Feeling naman daw ni Bisaya ay totoo dahil palagi nga silang magkasama ngayon ni Ruffa at hindi na raw ito palaging nagmamadaling umalis.

“Baka wala na nga,” sey lang ni Bisaya.

Well…

Raffy Tulfo type balikan ni Niña Taduran

Ang ACT-CIS ang nangungunang party-List sa bilangan ngayon after ng midterm elections noong Monday. Ang nasabing party-List ay sinuportahan ng Tulfo brothers.

Ang third nominee ng ACT-CIS ay si Niña T­aduran na partner ni Raffy Tulfo sa public service program nila sa radyo.

Kilala na ng mga tao si Niña dahil ang tagal na nilang magkasama ni Raffy.

Kahapon, tinanong ko si Niña (sure na kasi na may three seats sila sa Kongreso dahil sa number of votes na nakuha ng kanilang party-List) kung babalik pa ba siya sa radio program nila ni Raffy (na ang lakas din sa online) at ang sagot niya ay, “Sana nga po makabalik pa. Hehehe. Kasi 20 years na ang tandem namin.”

Actually, nami-miss na nga si Niña ng mga loyalista ng kanilang radio program, kaya ang iba, ang sabi, kahit hindi regular, kahit paminsan-minsan lang, basta huwag daw iiwanan ni Niña si Raffy!

Barbie, Jerome, Jane nagdagdag-eksena

Ngayon na ang “Finding You” media conference ng Regal Entertainment, Inc., pero noong isang araw na kasama ko ang mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ay narinig ko ang huli na abalang-abala habang may kausap sa cellphone at nagbibigay ng instructions para sa additional shoo-ting day ng pelikula nina Jane Oneiza, Jerome Ponce at Barbie Imperia­l.

Sa May 29 na ang showing ng “Finding You,” pero may naisip si Roselle na magandang eksena na gusto niyang ipadagdag. Additional expenses ‘yon, pero okay lang daw kay Roselle at kahit kay Mother Lily ay approved naman dahil maganda raw ang idea ng kanyang anak na katulong na niya sa pagpapatakbo ng kanilang film outfit.

Negosyante ayaw makialam sa problema ni e­­­­x-dyowang aktor

As much as possible, hindi pala nakikialam ang isang businesswoman sa aktor na ex niya. Ni ayaw niyang magkomento tungkol sa legal battle na kinakasangkutan ngayon ni aktor.

Basta dedma na raw siya tungkol kay aktor. Kung anuman ang nakaraan nila ay nakaraan na raw.

Ang nag-uugnay lang naman daw sa kanila ay ang anak nila. Pero at least, hindi sinisi- raan ng businesswoman si aktor kahit hindi rin naging maganda ang hiwalayan nila noong araw, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy