Una sa Balita

Ana Roces binawalang magpaseksi ng abogado

By
0 997

abante-talbog-joe-barramedaNoong “That’s Entertainment” days ay isa si Ana Roces sa may pinakamagandang mukha na kinaba­baliwan ng mga lalaki. Nagtaka lang ako dahil matagal din siyang nawala sa showbiz circle, kaya marami ang natuwa na active na naman siya sa showbiz.

Ngayon ay kasama siya sa cast ng “Sahaya” na magsisimula ngayon (Monday, March 18). Gaganap siya bilang si Irene na magiging kontrabida sa buhay ni Manisan na gagampanan ni Mylene Dizon.

“Parang ganun, kasi mainit ang dugo ko kay Sahaya,” sabi ni Ana.

Si Irene ang asawa ni Harold na gagam­panan naman ni Zoren Legaspi at anak naman nila si Lindsay na gagamapanan naman ni Ashley Ortega. Si Ashley ang katrayanggulo ng bidang si Sahaya (Bianca Umali) at Ahmad (Miguel Tanfelix).
Kuwento ni Ana, hands-on siya sa pag-aalaga sa kanyang dalawang anak na sina Mela at Maty.

“I have 2, I have a 14-year old girl, she’s in grade 9, tapos 8-year old boy, grade 3. Wala sa kanila ang mahilig sa showbiz, pero ‘yung daughter ko meron siyang play sa school, so um-acting-acting siya doon, kumanta-kanta.”
Si Maty raw ay hindi rin nagpakita ng interes mag-artista.

“Wala, pero nag-commercial siya noon. Pinalabas sa Malaysia.”

Kasal si Ana sa corporate lawyer na si Trandy Baterina.

“2012 pa kami kasal. Wala naman siyang pinagbabawal. Ang ayaw lang niya ay ‘yung mga pa-sexy.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy